Posts

Showing posts from March, 2019
NOLI ME TANGERE Kabanata 1 :  Nagkaroon ng handaan si Kapitan Tiyago at doon ay nangyari ang isang initan ni Padre Damaso at ng tenyente ng guardia civil. Kabanata 2 : Ang binatang kadarating mula sa Europa na si Crisostomo Ibarra ay ipinakilala ni Kapitan Tiago sa mga tao. Kabanata 3 : Naghapunan sina Ibarra at sa hapunan na iyon ay marami ang nangyari —  napahanga ang mga tao noong nalaman nilang nalibot ni Crisostomo ang Europa at kaya niyang magsalita ng iba't ibang wika, at sa hapunan na ito ay ininsulto ni Padre Damaso si Ibarra ngunit maayos at magalang pa rin itong si Ibarra. Kabanata 4 : Kinuwento ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra kung paano at ang dahilan sa pagpanaw ng ama ni Ibarra. Kabanata 5 : Nasa Hotel Lala si Ibarra at hindi niya napansin ang tanawin sapagkat nalulungkot ito pagkatapos malaman ang tungkol sa pumanaw sa ama. Kabanata 6 : Ipinakilala si Kapitan Tiago — tungkol sa kanyang buhay, kayamanan, asawa, hanggang sa ...