NOLI ME TANGERE
Kabanata 1 : Nagkaroon ng handaan si Kapitan Tiyago at doon ay nangyari ang isang initan ni Padre Damaso at ng tenyente ng guardia civil.
Kabanata 2 : Ang binatang kadarating mula sa Europa na si Crisostomo Ibarra ay ipinakilala ni Kapitan Tiago sa mga tao.
Kabanata 3 : Naghapunan sina Ibarra at sa hapunan na iyon ay marami ang nangyari— napahanga ang mga tao noong nalaman nilang nalibot ni Crisostomo ang Europa at kaya niyang magsalita ng iba't ibang wika, at sa hapunan na ito ay ininsulto ni Padre Damaso si Ibarra ngunit maayos at magalang pa rin itong si Ibarra.
Kabanata 4 : Kinuwento ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra kung paano at ang dahilan sa pagpanaw ng ama ni Ibarra.
Kabanata 5 : Nasa Hotel Lala si Ibarra at hindi niya napansin ang tanawin sapagkat nalulungkot ito pagkatapos malaman ang tungkol sa pumanaw sa ama.
Kabanata 6 : Ipinakilala si Kapitan Tiago— tungkol sa kanyang buhay, kayamanan, asawa, hanggang sa kanilang anak na si Maria Clara at ang kasal nina Ibarra.
Kabanata 7 : Nagkita muli sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at nagkuwentuhan sa mga alaala nila dati.
Kabanata 8 : Binagtas / tinahak ni Ibarra ang San Gabriel na nakasakay sa kalesa at habang naglalakbay ito ay bumabangon ang kanyang mga alaala sa lugar.
Kabanata 9 : Binantaan si Kapitan Tiago ni Padre Damaso dahil sa hindi pagsabi niya ng kanilang mga nalaman ang ginamit ang kapangyarihan ni Padre Damaso.
Kabanata 10 : Inilarawan ang San Diego at isinalaysay ang isang alamat at ang koneksyon nito kay Ibarra at ng kanyang mga ninuno.
Kabanata 11 : Kahit ang yayaman nina Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiago, hindi sila ang mga makapangyarihan ng San Diego kundi ang mga alpered at ang mga tao sa simbahan.
Kabanata 12 : Tinapon ang bangkay ni Don Rafael sa lawa sa utos ni Padre Garrote o Padre Damaso.
Kabanata 13 : Pumunta si Ibarra sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng ama ngunit pagdating niya sinabihan siya na ang labi ng kanyang ama ay nasa lawa.
Kabanata 14 : Ipinakilala si Don Anastacio o Pilosopo Tasyo— siya ay pinatigil sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ayaw niyang makalimutan ng anak ang Diyos, siya rin ay napakasaya dahil paparating na ang hinihintay niyang unos.
Kabanata 15 : Pinagbentangan ang batang Crispin sa pagnakaw ng 2 onsa at ayaw niyang mag-alala ang kanyang ina, ang kanyang kapatid naman na si Basilio ay pinayagang lumabas kapag alas diyes na ng gabi ngunit hindi na puwedeng lumabas o maglakad ng alas nuebe sa gabi.
Kabanata 16 : Ipinakilala si Sisa ( ang ina nina Basilio at Crispin, ang asawa ng isang lasanggero at sugarol ) at nangulila ito sa mga anak at sa isang gabi, gising pa ito kakahintay sa mga anak niya.
Kabanata 17 : Umuwi si Basilio na duguan at may sugat sa ulo at sinabihan niya ang kanyang ina na nasa kamay ng mga sakristan si Crispin, maliban sa mga parusang natikman ni Crispin.
Kabanata 18 : Pumunta si Sisa sa kumbento sa dahilang gustong kausapin ang pari at magtanong kung saan si Crispin ngunit pagdating niya, wala ang pari dahil sa sakit at walang sagot sa kung saan ang anak kaya ito ay umuwi, gulong-gulo ang isip.
Kabanata 19 : Malalaman dito ang dahilan ng pagpapatayo ng paaralan ni ibarra at ang kuwento at karanasan ng isang gurong nahihirapan.
Kabanata 20 : Dahil palapit na ang pista ay nagplano ang mga grupo ngunit nadismaya ito dahil wala silang magawa kundi sundin at isagawa ang plano ng kura.
Kabanata 21 : Pumunta ang guardia civil sa kanila Sisa at pinilit na ilabas ang dalawang bata ngunit hindi sila naniwala na hindi na nakita ni Sisa ang mga anak, nagmakaawa si Sisa ngunit hindi ito pinakinggan at wala itong magawa kaya sumama nalang ito sa guardia civil, nakita ito ng alperes at ipinalaya si Sisa, at umuwi ito at nagsimula ang pagkabaliw nito.
Kabanata 22 : Naghahanda ang mga tao para sa kapistahan at dito nag-uusap muli sina Maria Clara at Ibarra at nakiusap ang dalaga na huwag imbitahin si Padre Salvi dahil sa kakaibang kilos nito.
Kabanata 23 : Nagmamangka ang kabinataan at kadalagahan at may nakita, silang buw ang buwayaaya na sa huli ay nahuli ng piloto ngunit hindi sila nagtagumpay, napatay ng piloto at ni Ibarra sa kalawang pagsubok.
Kabanata 24 : Nagkaroon ng salu-salo sina Ibarra sa gubit nang biglang dumating si Sisa at umalis naman; Ipinahanap ni Ibarra ito ngunit hindi ito nahanap at maya-maya naman ay dumating ang guardia civil upang dakpin ang pilotong kasama.
Kabanata 25 : Makikilala dito ang itinuturing baliw dahil sa kanyang naiibang paraan ng pag-iisip na si Pilosopo Tasyo; nagbibigay siya ng payo kay Ibarra tungkol sa paaralan na ipapatayo at na sumangguni sa mga mataas na tao sa lipunan.
Kabanata 26 : Ipinakita ang paghahandang ginawa ng mga taga-San Diego tuwing may kapistahan sa bayan at habang nangyayari iyon ay patuloy rin ang sa pagtatrabaho para sa paaralan na ipinatayo ni Ibarra.
Kabanata 27 : Lubusan ang paghahanda sa bahay ni Kapitan Tiago at ito rin ay upang mapasaya sina Maria Clara at si Ibarra na laging paksa ng usapan ng mga tao.
Kabanata 28 : Inilarawan ang mga pangyayari sa bisperas ng San Diego sa pamamagitan ng mga liham.
Kabanata 29 : Nakasuot ng napakagandang mga damit at alahas ang mga tao sa mismong araw ng pista, si Padre Damaso naman ay muntik nang hindi makapagsermon dahil sa sipon at pamamaos ng boses, at si Padre Salvi naman ay tinawag na "Pa-pa!" ng isang batang mukhang kastila.
Kabanata 30 : May dalawang misa ang naganap; kay Padre Salvi, na naging kapuna-puna, at kay Padre Damaso, na nagpatahimik ng mga tao sa simbahan.
Kabanata 31 : Sa sermon ni Padre Damaso, tinalakay niya ang tungkol sa kaluluwa, impiyerno, at iba pa at tahimik ang loob ng simbahan hanggang sa nakatulog ang mga tao dahil sa haba ng sermon.
Kabanata 32 : Dumating ang panahon ng panghugos para sa paaralan na ipinatayo ni Ibarra at sa hindi inaasahang pangyayari ay may lalaking namatay doon.
Kabanata 33 : Pumunta si Elias sa tahanan ni Ibarra at nagbigay ng babala tungkol sa mga lihim niyang kaaway.
Kabanata 34 : Sa isang pananghalian ay may natanggap na telegrama si Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng Kapitan-Heneral sa kanilang bayan, pinatuloy ni Padre Damaso ang sermon niyang tungkol kay Ibarra at dumating ito sa puntong napag-usapan ang ama ni Ibarra kaya nagalit ang binata at muntikang napatay ang Padre ngunit dahil kay Maria Clara ay hindi ito natuloy.
Kabanaya 35 : Mabilis ang pagkalat ng balita tungkol sa nangyari sa pananghalian at iba-iba ang mga reaksiyon ng mga tao; ang iba ay nadismaya at ang iba naman ay sumang-ayon sa ginawa ni Ibarra.
Kabanata 36 : Nadamay sina Maria Clara at Kapitan Tiago sa pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra; inutos ng mga prayle si Kapitan Tiago na putulin ang koneksyon ni Maria Clara at Ibarra, at dahil nito ay umiyak buong hapon si Maria Clara.
Kabanata 37 : Dumating ang Kapitan-Heneral sa bayan ng San Diego at sa araw na iyon ay nakapag-usap siya kay Ibarra at hinangaan ito dahil sa katalinuhan at pagmamalasakit nito sa bayan, at pinuri niya rin si Kapitan Tiago sa pagkakaroon ng magandang anak.
Kabanata 38 : Nangyari ang pang-apat na prusiyon sa gabi at kasama sa prusiyon ang mga dasal at matamis na awit.
Kabanata 39 : Nakakulong si Donya Consolacion sa kanyang bahay habang abala ang iba sa pagdiriwang ng pista, at dahil nabibigot ito ay inabuso niya si Sisa at inutos itong gawin ang kanyang gusto.
Kabanata 40 : Napuno ang plasa ng mga tao upang manood ng dula ngunit dumating si Ibarra at ayaw ito ng mga prayle ngunit hindi ito kayang palabasin ni Don Filipo kaya umuwi sa kaguluhan ang gabing iyon.

Kabanata 41 : Si Ibarra ay hindi makatulog sapagkat iniisip niya ang kaguluhang nangyari, maya-maya ay dumating si Elias at sinabihan si Ibarra tungkol sa sakit ni Maria Clara at na pupunta siya sa Batangas, pagkatapos ay dumalaw din si Lucas at nangungulit tungkol sa perang makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kapatid.
Kabanata 42 : Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiago dahil may sakit si Maria Clara at malalaman dito ang tungkol sa mag-asawang de Espadana.
Kabanata 43 : Lubos na nag-alala si Padre Damaso dahil nagkasakit si Maria Clara ngunit naibsan ang kanyang naramdaman nang ipinakilala sa kanya Donya Victorina si Alfonso Linares, pagkatapos ay dumating si Lucas at umarte itong kaawa-awa.
Kabanata 44 : Nabinat si Maria Clara pagkatapos na magpakumpisal at sa taas ng lagnat nito ay ang pangalan ng kanyang ina lang ang lumalabas sa bibig nito.
Kabanata 45 : Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Pablo sa gubat at kinuwento ni Pablo ang dinaanan niya at ng kanyang pamilya at isinawalat ni Elias ang pagkaibigan nila ni Ibarra at na makatulong ito sa kanila.
Kabanata 46 : Inilarawan ang mga iba't ibang tao sa sabungan at ang mga dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao doon.
Kabanata 47 : Nagkaroon ng hindi pagkasunduan ang dalawang donya habang namamasyal sina Donya Victorina at ang kanyang asawa kaya bumalik sila sa bahay ni Kapitan Tiago at inutusan si Linares na hamonin ang Alperes.
Kabanata 48 : Sa pagbalik ni Ibarra ay dinalaw niya si Maria Clara at nadatnan si Linares, at may hindi kasali sa listahan ng mga manggagawa at si Elias iyon, inimbitahan ni Ibarra si Elias dahil may gusto itong sabihin sa kanya.
Kabanata 49 : Nakipagkita si Ibarra kay Elias upang malaman ang tunay na pakay nito, at hiniling ni Ibarra ang kuwento sa buhay ni Elias.
Kabanata 50 : Isinalaysay ang kasaysayan at pinagdaanan ng angkan ni Elias at nabagabag si Ibarra sa kuwento nito.
Kabanata 51 : Dahil sa pagbabanta ni Donya Victorina ay naging balisa si Linares, at sa ganitong kalagayan ay pumasok sa eksena sina Padre Salvi, Maria Clara, Kapitan Tiago, at si Ibarra.
Kabanata 52 : Nagtagpo sa sementeryo ang mga lalaking may balak ngunit di nila alam sinusundan pala sila ni Elias at doon ay natagpuan niya si Lucas.
Kabanata 53 : May nakitang ilaw sa sementeryo sa nakaraang gabi at ito ay naging paksa ng mga usapan sa mga tao, habang nangyayari ito ay bumisita si Don Filipo kay Pilosopo Tasyo.
Kabanata 54 : Isang araw ay maiba ang kilos ni Padre Salvi, pumunta ito sa bahay ng komandante upang ibalita ang natuklasang sabwatan, natuklasan ni Elias ang masamang plano na ito kaya pinuntahan niya si Ibarra at hinimok itong umalis upang hindi ito pagbintangan.
Kabanata 55 : Dito magaganap ang masamang bunga ng sabwatan at malalaman ni Elias na ang lolo pala ni Ibarra ang dahilan sa kasawian ng lolo niya ngunit hindi nag-iba ang tingin nito ni Ibarra.
Kabanata 56 : Ang namayani sa buong bayan ay natakot dahil sa mga naganap sa mga nakaraang araw, maraming sabi-sabi ang nagsalabasan tungkol sa paglusob sa kuwartel, nagtapos ang araw sa pagkakatuklas ng bangkay; ang bankay ni Lucas.
Kabanata 57 : Ipinapakita ang kaparusahan sa mga lalaking lumusob sa kuwartel, inimbestigahan ang dalawang kalakihan at umamin ang isa nito sa dahilan ng paglusob.
Kabanata 58 : Mabilis na kumalat sa bayan ang balitang ililipat ang mga bilanggo at walang magawa ang mga kamag-anak ng mga ito kaya kay Ibarra nila pinalabas ang galit nila; Pinagbabato, pinagsisigawan ng mga masasakit na salita,at wala man lang isang kaibigan o mahal sa buhay ang ipinagtanggol si Ibarra.
Kabanata 59 : Nakalat ang kaguluhang nangyari sa San Diego ngunit iba-iba ang mga bersyon nito, at si Padre Salvi ay pinuri ng mga tao dahil sa kanyang natuklasan, si Ibarra namay ay naging biktima sa masamang pagtingin ng mga tao.
Kabanata 60 : Maligaya si Kapitan Tiago dahil hindi siya ibinilanggo o inimbestigahan, dumating si Linares, Don Victorina, at Don Tiburcio upang pag-uusapan ang kasal, pagkatapos ay palihim na nagkita sina Maria Clara at Ibarra at dito malalaman ang totoong ama ni Maria Clara; si Padre Damaso.
Kabanata 61 : Hindi pumayag si Elias sa inalok ni Ibarra, sabi ni Elias itatago niya raw si Ibarra sa ibang bayan upang mabuhay itong tahimik, habang nag-uusap ang dalawa ay napadaan sila sa palasyo ng gobernador-heneral, nakarating sila sa lawa at dito nila nakita ang mga sibil na papalapit sa kanila kaya tinago niya si Ibarra at sabi nito magkita lang sila sa libingan ng nuno ni Ibarra, pagkatapos ay tumalon sa tubig si Elias hanggang sa binaril ito at may nakitang isang patak ng dugo sa pampang.
Kabanata 62 : Nalaman ni Maria Clara mula sa mga ulat na nalunod daw si Ibarra kaya di niya pinatuloy ang kasal at napagpasiyahan na maging madre nalang, dahil walang magawa ang amang si Padre Damaso ay sumunod nalang ito sa kagustuhan ng anak.
Kabanata 63 : Nagpaalam si Basilio sa isang pamilyang tumulong sa kanya upang hanapin ang kanyang ina, noong nagkita na ang mag-ina ay tumakbo si Sisa ngunit noong makita itong duguan ang anak ay agad niya itong nakilala at nagyakap sila, pagkatapos ay nawalan ng malay si Basilo at paggising nito ay patay na ang ina, pagkatapos ang isang lalaking sugatan na si Elias ay lumapit sa kanya at naghabilin na sunogin ang dalawang bangkay (kanya at kay Sisa).
Kabanata 64 : Nagtapos ang nobela na maraming pagbabago sa mga tauhan; Ang alperes ay tumaas ang ranggo, si Padre Salvi ay mas bagong posisyon, si Padre Damaso ay tumira na sa Maynila at pumanaw ito, si Kapitan Tiago ay nagmarijuana at nagsabong, at si Maria Clara naman ay nasa kumbento na.
~ WAKAS ~

Comments
Post a Comment