Solusyon sa Karahasan

Paano itigil ang Domestic Violence o Karahasan sa Tahanan?


Sa ating lipunan, lalo na sa panahon natin ngayon, maraming mga bagay ang nangyayari ; Mga krimen at mga kaso na hindi pa nalulutas. Isa sa mga mapanganib na kaso ay ang pang-aabuso, partikular ang karahasan sa tahanan. Maaari itong humantong sa maraming mga problema tulad ng depresyon, trauma, at mas masahol pa, ang pagkawala ng buhay ng isang tao. Ngunit hindi pa huli ang lahat upang itigil ito. Narito ang mga hakbang kung paano itigil o pigilan ang mga problema na ito.




Una, magsimula sa iyong sarili. Tulungan mo ang iyong sarili at sa ganitong paraan matutulungan mo ang iba na dumaranas ng parehong sitwasyon na katulad mo.






Ikalawa, humingi ng tulong. Huwag matakot na makipag-ugnayan sa iyong pamilya, mga kaibigan, o kasamahan sa trabaho. Sila ay laging nandyan upang tumulong at makinig.










Pangatlo, tumawag sa isang samahan. Maraming mga organisasyon ng pang-aabuso na makakatulong sa iyo sa iyong problema.







At ang panghuli, magsalita. Huwag kailanman matakot na magsalita laban sa Domestic Violence. Ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa iba upang makatulong at maiwasan ito.





Kung nakikita o naririnig mo na ang iyong kaibigan o kahit na ang iyong kapitbahay ay biktima ng pang-aabuso, huwag mag-atubiling tumulong. Huwag mag-alinlangan na kumilos. Ang mga taong natulongan mo ay maaaring makakatulong din sa iba. Tayo ay iisa.

Comments

  1. Nilalaman- 15/15
    Kawastohan- 10/10
    Kaisahan- 10/10
    Pagkamalikhain- 15/15

    Kabuuan- 50/50

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog